5:08 am december 9,2007
(impormasyon: sinusulat ko to habang may lalaki akong kasama sa bahay ng wala ang aking ama. Bago mag-isip ng kung anu ano, siya po ay kasalukuyang natutulog sa aming sofa. itago natin siya sa codename na mr. R. at kung bakit siya natutulog dito samen, eto ang kwento...)
dahil mag-isa lang ako, si papa xe ay nagpunta ng laguna at din na matutulog, nabagot ako. bakit, eh ang dami ko dapat gawin? simple. walang telepono. kapag walang telepono eh di ibig sabihin nun, walang internet. *buntong hininga*
bored na ko. ayokong isipin ang mga dapat ko gawin xe gusto ko magpahinga. gusto ko kalimutan ang mga problema at mag-enjoy muna. nagtxt ako. tnxt ko ang mga friends ko na magpunta ng global fun carnival sa mall of asia. lakas trip? oo. impulsive ako minsan. pero napapansin ko lately super impulsive na ko which dati hindi naman talaga. nwei, sa lahat ng tinxt ko, si phoebe (na kilalala bilang SALE-mate ko) ang pumayag na sumama. adik eh nuh? kaming dalawa lang sa carnival? kamusta naman un?! dalawa na nga lang kme, hindi pa kme lovers! hay naku... sagot namen, okay lang yan! pakielam ba nila? basta kahit kaming dalawa lang, enjoy pren. un ang importante. masaya kami.
ayos. ride-all-you-can or entrance lang. magandang strategy. mapipilitan ka mag-ride-all-you-can o maiinggit ka kakanuod sa mga sumasakay xe walang separate ticket booths sa loob for the rides. so, pag-entrance lang ang kinuha mo, as in. literal! entrance ka lang. wealang kahit ano. ayos na strategy.
so, ride-all-you-can ang drama namin kahit walang pera! go go go! sa lahat ng rides, ang motto namen, "300 din yan! sumakay na tayo!" so, lahat ng pangmatanda, sumakay kami. ang saya ba! sino may sabi na kapag dalawa lang kayo eh malungkot? well, hindi kame ganun! sobra enjoy kame. kahit walang lover, okay lang! sumakay kami sa flipper. sobra! umiikot na nga siya, tapos ung upuan mo, umiikot pa din! doble ikot! parang kada ikot nun, feeling ko tatalsik tlaga ko palabas. hahaha. ang saya nun. ung isang sinakyan namen, ranger. whoooo! first time. speechless ako dun. oo. may pagka daredevil ako pagdating sa mga rides. pero un, haaaaaay. *speechless* 10 seconds kaming nakabaligtad sa ere! kamusta naman un?! hindi ko alam kung pano ko hahawak! may tiwala naman ako na hindi matatanggal ung lock sa upuan ko. pero, instinct ko na lang na humawak dahil alam ko na nakabaligtad ako sa ere! sobra talaga un. try niyo kapag nagpunta kayo. para mafeel niyo ung mga sinusulat ko ngaun. bago kami umuwi, nag second round pa kami dun sa flipper. gusto pa nga ulet ni phoebe dun sa ranger, pero shet. di ko alam kung mauulit ku pa un. pero try niyo xe ok siya. sulit. ang kj naman kung di mo ttry lahat diba? so ayun.
after nun, mga 9 umuwi na kami para magpunta sa birthday ni nikko. classmate ko un nung nursery! super seatmate ko pa yan. bully na ko nun kaya binubully ko xa. hahaha. friends xe mommy nmen preho. tapos naging classmate ko ulit xa nung fourth year high school. so nagpunta nga kme dahil barkada naman. (and besides, wala naman magagawa sa bahay eh.) [*nilingon si R. kung tnatutulog pa ba sa sofa*] kamusta naman. puro lalaki. mga barkada niya dun sa lugar nila. 4 lang kaming babe. pero, keri yan! nandun naman ang mga lalaki naming friends eh. inom. chicka. updates. masaya. ayaw pa namen umuwi ni phoebe. hahaha. adik? ako, wala xe kasama sa bahay. si phoebe, gusto lang tlaga gumala at tumambay muna. sabi ko, magkape muna kame kasama ung boylet niya pero nahihiya daw xa dun sa guy. hahaha. nahiya pa! as if naman??
eh di no choice kame, uwi na. eto ang problema. pano na ko uuwe eh 3 am na. wala na ko masasakyan. kung meron man, grabe. kakatakot naman un. commute ako mag-isa? wala kasi si brocolli ko eh. ang aking dakilang tagahatid. hahaha. so kinausap ko si R. you know, the CHARMS! hahaha. oo daw. hahatid niya ko. yey! tianung ku pa kung cryoso. eh baka usapang lasing lang xe un eh, mahirap na. kelangan ng asurance. so, oo na nga. hahatid na nga niya ko. uwi na kaming lahat. mega jeep! haha. ang ingay pa namin. baba kme sa rotonda tapos sumama na si phoebe. hahatid na lang namen muna xa bago ako. tapos tsaka uuwi si R. eto na ang storya... (babalik ako sa info sa taas kung bket natutulog dito smen si R. kahit mag-isa lang ako sa bahay...)
lakad kme sa rotonda. kinakausap ko ung tricycle driver xe kinokontrata ko na greenwoods muna tapos mercedes. [*lingon ulet kay R.* tulog pa yaan ku muna xa...] habang kausap ko ung tricycle driver, for a split second, na-sense ko ung tension sa paligid. alam nio un, iba na ung aura ni R. (magkatabi xe kme habang kausap ung driver.) basta iba. parang sobrang stiff niya. then, nangyare lahat. a group of guys, sinabunutan bigla si R. papalayo smen ni phoebe tapos binugbog! (nasa gitna xe nmen xa ni phoebe. yang-R-phoebe) sobrang na-shock ako. as in, "kuya! tama na yan! wala namang ginagawa sa inyo ah!" super sigaw na ko, sabay hatak sa damit nung isang sumusuntok. natatakot ako xe baka ako ung tamaan. pero, wala na ko pakielam. binubugbog nila si R. eh. wala tlagang tigil. buti na lang, hindi tumutumba si R. xe kung natumba siya, naku. mas sobra pa! puro tadyak un! baka di na kme maka-uwe nun pre-preho. after nun, dahil hindi makalaban si R. dahil sobrang dami nila at kasama niya kme, naglakad na sila palayo. eh hinabol pa ng suntok ulet ni R. ung isa. ayun! bumalik pa tuloy. tumawid siya sa kabilang kalye xe nga ang dami nila. at nanguha pa nga bato ha! natakot tlaga ko dun. sobra. binato xa ng konti, tapos tumawid ulit si R. papunta smen. sumunod pren ung mga lalake. hawak ung bato. malayo na ung agwat nila kaya gumitna na ako para hindi na nila batuhin si R. pero nakita ko sa kanila na parang nung mga oras na un, wala na silang pakielam. parang wala ako. ang gusto lang tlaga nila, batuhin si R. tumakbo si R. sa may katabing puneraria xe may tao dun. saka lang tumakbo palayo ung mga lalake. [*tingin ulet kay R* *tingin sa labas* maliwanag na...]
tinanong nmen kung kilala ba niya un. kung sino un. kung bket. ang dami kong tanung xe hindi ko naiintindihan. xe hindi ko matanggap. sobrang galit si R. agrabyado xe eh. tsaka wala naman kaming ginagawa. sana kung nagka-angasan muna. kaso di naman. walang nangyaring kahit ano. basta biglang binugbog na lang siya. after ilang minutes, nagpunta kmi sa may prisinto para ipahuli ung mga lalake xe nakita namin na nandun pa din ung iba. so, sinakay kami nung pulis tapos inikutan namen. ending? xempre wala rin nahuli kahit isa. ang bad trip. nag-taxi na lang kami pauwe. di ba le ng magbayad ng mahal at least ok.
si phoebe muna hinatid namen. si manong driver naman, nag-flag down ulet after ihatid si phoebe. sobra! so pagdating smen, biglang pinatay ung metro at sinabing 180 pesos na lang daw. sabe ko, panu nangyare un eh nung kanila phoebe 80 tapos 62 something pagdating smen. (akala niya cguro di ko nakita) sbe ko, 150 pesos na lang. putsa. estudyante lang kme nuh. tsaka tinakot siya ni R. na pwede namen siya isumbong nun xe pinatay niya kagad ung metro. kaya ayun. bumaba na lang din si R. dahil abuso si manong driver.
ayun. binigyan ku na lang ng yelo si R dahil may sugat ng onti eh. wala naman akong kasama kaya ayos lang sken. at tsaka isa pa, si R. yan. walang problema. nag-guilty rin xe ako dahil ako ung nagpahatid. eh di sana, walang nangyareng ganun. ayun. kwento. explain. recall. haaaay. sabi ko, magpa-abot ng liwanag na siya. wala namang problema sken. eh iniicip niya baka abutan siya ng dad ko. xempre naman, patay kami preho nun dba. ako lang mag-isa tapos andun siya. mahirap i-explain nun. pero, ok lang. natulog na muna xa sa sofa. sabi ko gcingin ku na lang siya kapag maliwanag na tsaka kapag may tricycle na. di na lang ako matutulog. ayun. tulog na siya ngaun sa sofa. ayaw pa nga nyang magpaiwan mag-isa sa sala xe andun picture ni mama eh. natatakot daw xa. duh! sa away ok lang pero sa picture, takot? hahaha
ang problema ko, hindi ko matanggap. lahat. baket nangyare un? baket smen pa? anung sense? anung lesson behind that? *buntong hininga* kanina, inexplain ni R. wala lang daw un. trip lang. it's either naka-inom ung mga lalaki or naka-drugs. pero sabi ko, "baket tayo?" eh xe daw dalawang babae ung kasama niya. "so, ano naman? naiinggit sila? and besides, pano kung friends lang naman tayo? or pinsan, relatives? ganun lang un? ang babaw." ganun lang daw tlaga un. trip lang. baka nayabangan lang or nagka-initan lang. hirap tlaga ko matanggap un. ang corny eh. napaka-unreasonable. hindi kaya tanggapin ng utak ko.
isa pa, ang daming tao dun. wala man lang naka-isip na tumulong? nakita na nilang agrabyado! nag-iisa! wala lang? ganun na ba tlaga ngaun? wala ng paki-elamanan? nakakalungkot isipin. nung tumakbo pa patawid si R. sa kabilang kalye, pinagsaraduhan siya nung lalake sa isang shop. sobra! nakaka-asar. nakaka-inis. bket ganun? bket ganun sila? wala naman kaming ginagawang masama. wala kaming inaagrabyado or inaangasan or whatever. *buntong hininga* nakakal-ungkot na nakaka-inis.
eto pa, sa pulis. walang kwenta. ung mga pulis jan sa rotonda, pasig, bulok! walng ginagawa! walang kwenta talaga. nung inikutan pa namin ung mga eskinita, naituro ko na ung ibang tumatakbo eh. tapos, wala naman ginawa ung pulis. naghintay lang. ang corny diba? eh kung tinakbo na nila un, eh di sana may nahuli. wala. naghintay lang na bumalik sa eskinita ung mga lalake. sobrang common sense naman mga kuya. nagiikot tayo, may ilaw kayo? eh di malamang tatakbo na ung mga hinahanap niyo makita lang kayo sa kabilang dulo ng eskinita! tapos mahihintay kayo na bumalik sila? ganun lang? anu ba naman un? [*lingon kay R.*] bulok.
nakakalungkot. first time ko to eh. sobrang hirap tanggapin xe agrabyado tlaga kame. alam niyo un? wala tlaga kaming ginagawa. gusto lang namen, makauwe. un lang. tapos biglang ganun? feeling ko, sobrang nalugi ako. sa bugbog. sa pulis, walang nangyare kahit ano. dahil naiinis ako, parang gusto ko na nga lang magturo ng kung sino sino dun eh. para lang ma-feel ko ung justice sa nangyare smen. pero, mali xe un eh. *buntong hininga* haaaaay
si R. nasanay na. ako xe, hindi tlaga. ang hirap pala maging lalake. matipuhan ka lang, bugbog na. sobra! ang unreasonable ng mga tao! ang sama ng loob ko. ganun ganun na lang ba un? ganun na lang ba ngaun? nakakadismaya. ang saklap eh. oo. naka-inom kme. pero hindi kme lasing. sobrang maayos kme. wala ngang nangyareng tinginan eh. biglaan, ganun na lang. i hate them.
ang haba na nito. pasensya. pero masama tlaga ung loob ko kaya dapat ko ilabas. hindi ko ma-gets ang lesson. hindi ko maintindihan. anong message nitong nangyareng to? bket kelangang kme? bakit ganun? baket? ang hirap. ang dami kong tanung. [*tingin kay R. sa sofa* tulog pa. *tingin sa labas* maliwanag na]
salamat. xe walang malalang nangyare. hindi naman napuruhan eh. un na lang ang iisipin ko. un ang turo sken ni R. eh. [*gumagalaw si R.* hahaha. alam niya ata na siya ung sinusulat ko eh] sorry. un lang ang masasabi ko kay R. xe nag-guilty ako. sana hindi na lang ako nagpahatid. or sana sa palengke na lang kme bumaba. eh di sana walang ganun. ang lungkot ko na. thank you R. oo na. nakita na namin ni phoebe kung gano mo kme kamahal. mahal ka din namen. mahal kita. kaya sa susunod, konting ingat. alagaan ang sarili at ang pretty face, tulad ng sabi mo. salamat tlaga. kahit naiinis pa ko. kung lalake cguro ako, magkasama tayong may tama ngaun at nagkkwentuhan kung pano nten napuruhan ang isa sa kanila.
aakapin na lang kita mamaya pagkahatid ko sau sa sakayan ng tricycle. hindi ko na makakalimutan to. trauma. sorry ha. salamat din xe anjan ka. i love you R. 
6:29 am december 9,2007
Musica: typing students
Bookworm: wala
Screen: other students coming in the library
Mood Swings: tired but happy