pangalan mo pa rin pala
bket ganun? parang automatic. kapag napapaisip aku bigla at nasasambit ang mga salitang.. "namimiss..." kadikit na kagad nito ang pangalan mo. "namimiss ko na si (pangalan mo)" "nakakamiss naman si (pangalan mo)". nakaka-asar. bket? xe, unconciously ko to nasasabi. gets? di ko intensyon. kusa lang xa lumalabas sa mga labi ko. bket kaya? un ba ay pahiwatig na ikaw nga talaga ang namimiss ko? na kahit hindi ko na pag-isipan pa eh, un at un din ang mismong lalabas sa bibig ko? pangalan at pangalan mo pren. ang saklap naman. pinilit ko na kalimutan ka na xe nasaktan ako. pero, lumipas ang panahon, at malaki ang pinagbago ko. natuto ako na wag magpaapekto kapag dumaan ka. pinag-aralan kong mabuti kung paano wag lumingon ng dalawang beses kapag nakita kita. pero, ngaun, na sa tingin ko naman ay napatawad na kita sa kasalanan mo sken, namumuo nanaman ang mga damdamin na matagal ko din pilit na pinatay. hindi ko inaasahan na maapektuhan aku ng makita kita isang beses. tulad ng dati. parang walang nagbago. (malaking tulong ata ang pagbabawas ng buhok) kung alam ku lang na magiging ganito ang approach ku sayo, sana pala, hindi ko na hiniling na magbawas ka ng buhok. asar. sana di ka na lang bumalik sa dating itsura mo. haaay.
hindi. mali kayo ng iniisip sken. minahal ko ung tao kahet ano ang itsura niya. nung una, sabi ko sa sarili ko, "aba. may itsura to." pero habang tumatagal, habang nakakasama kita, habang kasama kitang tumatawa, naisip ko na lang ulet, "ay. ang panget pala niya." pero, wala akong pakielam. xe ikaw ang nagpapasaya sken. xe naramdaman ko na special ako. nagkakaintindihan kme na kaya namen mag-usap pero hindi na kme naiintindihan ng mga tao sa paligid nmen. un ang kakaiba smen. walang commitment pero at a certain point, naramdaman ko. maaaring hindi mo aminin pero alam ko na kahit papano, naramdaman mo din un. xe hindi ka aasta ng ganun kung hindi mo naramdaman o gusto man lang un. hindi. mataas ang tingin ko sayo bilang tao. hindi ka ganon ka-baba at mananakit ng iba sa pagpapanggap.
xet. akala ko tapos na ang lahat. akala ko, ayos na. pero hanggang kelan ako mabubuhay sa mga alaala nteng dalawa? hanggang kelan ako makukuntento sa mga pinagsamahan nten? at higit sa lahat, hanggang kelan ko mababanggit ang pangalan mo kapag sinasabi kong... "namimiss ko na...."
(this entry was written on impluse. not really at the peak of my emotions but with a bunch of questions and confusing feelings going in my head.)
Musica: magbalik :: callalily
Cried By fullmoon_goddess at 05:22 PM in feelings | 2 lost stars









